TWENTY: "Russel Anthony." MAAGANG nagpasama kay Lindsay ang kaibigang si Adriana para puntahan ang isang ginang na si Mrs. Erinda Madrigal sa bahay nito sa Montefaro village. Nakiusap raw umano kasi kay Adriana ang ka-officemate nilang si Kate na singilin muna ng pautang ang ginang sa order nitong isang lipstick at sandals sa isang sikat na cosmetic line dahil deadline ngayong araw at nasa Mindanao si Kate, may inaasikaso. Ayon sa ka-officemate nila, klaro naman na raw ang usapan na sa araw na ito magbabayad si Mrs. Erinda, kailangan lang talaga ay may pumunta sa bahay nito para komolekta at dahil nga wala si Kate ay nakiusap kay Adriana. Ito namang best friend ni Lindsay, basta ba'y may 50 percent share ang loka aba'y gora! Nang makarating sila sa nasabing village, ipinagtanong k