Natahimik siya ng ilang saglit. Saka sumagot. "Your initial." nanlaki ang mata ko. "Bakit nakalagay yung initial ko sa mga paintings mo?" bumuga siya ng hangin at tumingin sakin. Natahimik ulit siya. Ano? bakit di niya masabi? Mas nakakaexcite pa ito sa quiz sa math. "Bria--" natigilan kami nang may biglang kumalampag sa pinto. Tumayo agad si Von at binuksan ang pinto. Nagtaka ako nang makita ko ang mga lalaking naka itim na suit. Tumayo din ako at lalapit sana sa kanila nang biglang isinara ni Von ang pinto. "Sino yon?" "Wala. Nangangaroling lang." napangiti ako at napapalakpak. Huh? Wait, wala pang Christmas ah. "Can I watch them?" masayang tanong ko. Naglakad siya papunta sa sofa kung nasaan ang leather jacket niyang itim. May kinuha din siyang susi. Humarap siya sakin at umiling