"Wala akong dapat ipaliwanag sayo." matigas na sabi ni Von at hinila ako paakyat. Wala siyang lingon. Diretso lang siyang naglakad hanggang sa makaabot kami sa isang kwarto. "Pst. Magkagalit kayo ni Geoff?" binuksan niya ang pinto at napanganga ako sa ganda. Doble na ang size ng room ko kung ikukumpara sa room niya. Sobrang laki at unang makikita mo ay master's bedroom niya na sobrang laki. "Woah! Kwarto mo ito?" hindi siya sumagot at hinubad niya ang coat niya. "N-Naghuhubad ka?" napatigil siya at tinaasan ako ng kilay. "Gusto mo ba?" napaisip ako. "Hmm. Pwede?" umiling siya at dumiretso sa isang pinto. Bathroom pala yon. "Anong gagawin mo?" "Bibihis. Sama ka?" nanlaki ang mata ko at umiling. Ngumisi lang siya bago sinara ang pinto. Hmp. Weirdo. Napangiti ako nang tumingin ako sa ka