Nagising ako sa isang malamig na kwarto. Hinila ko ang kumot para matabunan ang sarili ko. Payapa na sana akong natutulog nang may narinig akong ingay. "Tangina tol, sharpshooter ka ba? Nabuntis mo agad!" "Lower down your voice. She's sleeping." "Ninong ako ah! Pati rin si Louie gawin mong-- Hehe! Joke lang." "What exactly are you doing here?" "Wala. Napadaan lang. Nasa 6th floor si Louie, nakita kanina kaya sinundan kita. Tapos ang galing, nakabuntis ka pala--" "Shut up." "Tss. Paano na pala yan? Papakasalan mo ba yan?" "Kasal na kami." "Tangina! Ano?!" "Stop cussing you jerk." Napabangon ako sa sobrang ingay. Kinusot ko ang mata ko at tiningnan ang paligid. Pigura agad ng dalawang lalaki ang nakita ko. Si Von at si Shin. Agad natigilan si Von nang mapatingin sakin. Lumapit si