Napatahimik lahat nang binuksan ko ang pinto. Napalunok ako at parang gusto ko nalang tumakbo pabalik. Ang itsura ng room ay para nga talagang basura. Ang white board ay punong puno ng doodle at ang bawat dingding ay may sulat. Wala sana ako sa mood ngayong araw dahil sa sinabi ng papa ni Von pero mas lalo yatang naging komplikado ang lahat. Huminga ako ng malalim bago sana pumasok pero nang iisang hakbang palang ako ay may humila na ng kamay ko at diretso kaming pumasok sa classroom. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. "V-Von.." madilim ang expression niya at halatang igting ang panga. Umupo kami sa pinaka unahan. "You talked to my father." ramdam ko ang hinanakit sa boses niya. Hawak niya ang kamay ko at alam kong nagpipigil siyang magalit. "What did that motherfucker said?" pigil na g