Minsan naiiisip ko kung ano ano pa ba ang mga bagay na hindi ko alam at hindi ko maintindihan. Sa mga nagdaang araw na kasama ko si Von, marami akong natututunan, isa na don ang magmahal. Naiinis ako sa sarili ko at hindi ko siya kayang alagaan gaya ng pag aalaga niya sakin. Handa siyang mag sakripisyo para sakin. Ako? Ano bang kaya kong isakripisyo para sa kanya? "Bria.." napalingon ako sa boses ng tumawag sakin. Naluha ulit ako. "Mommy.." lumapit siya sakin at niyakap ako. "Kasalanan ko.. P-Paano kung m-may mangyaring masama sa kanya?" "Sshh.. He's going to be okay. Calm down honey." umiling ako at sumubsob sa balikat niya. Dalawang oras na kaming naghihintay at hindi ako mapakali kanina pa. Ang makita siyang duguan ay nakakapanghina ng laman. Sobrang nakakapanlumo. Masakit pala na