Kumuha ako ng walis at dustpan. Hindi naman talaga ako marunong maglinis dahil never akong pinahawak ng walis nila mommy, pero aalisin ko lang naman ang mga bunog at madali lang iyon. Pinulot ko ang malalaking bubog ng beer at nilagay iyon sa dustpan. Siguro ay lagi siyang umiinom at hindi kumakain. Masama kaya yon sa health. Si Von talaga. "Ouch!" nakagat ko ang labi ko sa sakit na dumapo sa palad ko. Sobrang talas ng isang bubog at nasugatan ang palad ko. Gusto kong umiyak pero hindi pwede. Kinuha ko ang first aid na binili ko at kumuha ng bulak at band aid. Ang ending din pala ay ako ang nakagamit. Ang clumsy ko talaga. Tinakpan ko agad iyon ng band aid. Medyo malaki ang hiwa pero di ko na pinansin dahil kailangan kong matapos ang paglilinis ko. Inabot ako ng dalawang oras sa paglil