Desiree Larrson Smith Bago mapunta sa islang iyon ay kailangan naming sumakay muna ng bangka. At byabyahe ng 30 mins. Napapapikit ako sa hampas ng sariwang hangin. Sobrang nakakarelax talaga ang simoy ng sariwang hangin. Mabuti na lang hawak ko na ang summer hat ko kung hindi baka naihangin na ito kanina pa. Napangiti ako ng maramdaman kong pumulupot ang braso ni Evan sa bewang ko at tahimik na humilig sakin. Hinayaan ko sya na nakaganon sakin. Hindi rin nag tagal ay nakarating na kami sa Hermana Mayor Island. Ang alam ko merong may ari nitong isla naito. Kumbaga private island dapat ito kaso dahil mabait ang may ari ay binuksan nya ito kaya naging isa na rin sa mga tourist spot dito sa Zambales. Dumaong kami sa hindi mismo sa isla. Doon sa mahabang white sand na nakakonektado sa i