Desiree Larrson Smith "Kumain ka na ba wife?" tanong ni Evan. Nakaupo kami dito sa sofa nya sa loob ng office. Nakaakbay ang kamay nito sakin. Hindi ako makatingin ng diretso sakanya dahil sobrang nakakalusaw ito. Ang lakas talaga ng epekto nito sakin! "What are you thinking wife?" Huminga ako ng malalim at sinalubong ang mata nyang nakakalusaw. Ngumiti ako. "Naisip ko lang na stress ka dito sa kompanya. Ano ba nangyari?" tanong ko Ngumiti ng tipid si Evan "Maliit lang yon wife, don't worry.." hinalikan nya ako sa nuo. Maliit lang ba talaga yon? Bakit parang sobra sobra ang pagod nya base sa nakikita ko sa mga mata nya. "Are you sure?" Tumango ito bago ako hinapit at sumandal sa balikat ko "Wag mo ako intindihin. Please focus with our baby. Ayaw kong mamroblema ka pa kapag si