Desiree Larrson Smith Hindi ako sanay na sa pag gising ko sa umaga ay hindi ko nakikita ang asawa ko. Hindi ako sanay na hindi nararamdaman ang mahigpit na yakap nya sakin mula sa likuran. At hindi ako sanay na wala ang pag dikit ng tungki ng kanyang ilong saking tenga sabay bulong ng 'Good morning wife..' Pang ilang punas ko na ng mga luha kong patuloy na bumabagsak. My God Desiree! Ilang oras pa lang naman umalis si Evan pero kung makapag isip ka ay parang 1 linggo syang wala! Babalik din yon mamaya. Remember? Uwian sya. Binaon ko muli ang unan ni Evan sa mukha ko para maamoy ang natira nyang mabangong amoy rito na kinaaadikan ko na mas lalong nag paiyak sakin. Isang katok ang nag pagising kasing. Para akong lantang gulay na tumayo at nag tungo sa pinto para buksan. Bumungad sakin