ANG PANUNUKSO
JAMILAH POV.
ARAW ng pagtatapos ko. Nakaupo sa mga upuang nakalaan para sa mga magulang ng honor students sina Mommy at Daddy. Dahil natamo ko ang ikalawa sa pinakamataas na karangalan — Magna c*m Laude — nasa pinakaharap sila, malapit sa entablado.
Malalapad ang mga ngiti nila; bakas sa mukha ang labis na pagmamalaki. Ako man ay masaya, ngunit may kulang. Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi ko pa rin nakikita si Ninong Ruins — ang lalaking pangalawa sa pinakamahalaga sa buhay ko, kasunod ni Daddy.
Nagpaganda pa naman ako ng husto para sa kaniya. Inayos ko ang buhok, pumili ng magandang bestida, at tiniyak na maayos ang lahat. Pero heto ako ngayon, nakaupo sa hanay ng mga magtatapos, habang unti-unting nagsisimula ang seremonya — at siya, wala pa rin.
Nang marinig ko ang aking pangalan at tawagin ako sa entablado, kasama kong umakyat sina Mommy at Daddy. Pilit ang ngiti sa labi ko habang isinasabit nila ang silver medal sa aking leeg. Ayaw kong ipahalata na may lungkot sa dibdib ko. Dapat masaya ako — natupad ko na ang pangarap kong makapagtapos. Ngunit sa gitna ng palakpakan at ng mga kamera, tanging isang mukha lang ang hinahanap ng mga mata ko.
“Anak, bakit parang matamlay ka?” nag-aalalang tanong ni Mommy habang nakatitig sa akin.
“Sorry po, Mommy… pero masaya naman po ako,” sagot ko, pilit na ngumiti.
Biglang may yumakap sa akin mula sa likuran.
“Congratulations, baby ko! Sorry, I’m late — sobrang traffic,” ani Ninong Ruins sabay abot ng bouquet ng mga bulaklak. Napangiti ako nang makita iyon.
“Ninong, aakyat pa po ako sa entablado para kunin ang medal at diploma ko. Salamat po sa flowers, ang ganda.”
“You’re welcome, inaanak. Dito lang ako sa upuan, kukuhanan kita mamaya,” sabi niya sabay kindat.
Nang tawagin ang pangalan ko, sabay kaming umakyat ni Daddy at Mommy. Isinabit nila sa akin ang medal at panay ang click ng mga camera. Napangiti ako nang makita si Ninong — todo kuha ng litrato gamit ang cellphone niya.
Pagbaba namin, sinalubong niya agad ako at muling iniabot ang bouquet. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod — hinagkan niya ako sa labi. Napatigil ako, at ramdam kong maraming nakakita. Lalo na si Addison. Pag sulyap ko sa kaniya, tinaasan niya ako ng kilay, halatang hindi natuwa.
Nang matapos ang ceremony, agad akong hinila ni Ninong palabas ng hall.
“Ninong, sandali po, hintayin muna natin sina Mommy at Daddy.”
“Huwag na, nag-usap na kami ng Daddy mo,” mahinahong sagot niya.
“Okay po, pero pupunta muna ako sa restroom — mabilis lang ako,” sabi ko, at tumango naman agad si Ninong kaya agad akong humakbang palayo.
Dahil nagmamadali na ako, diretso akong pumasok sa loob. Ramdam ko na anumang oras ay lalabas na ang ihi ko.
Pagkatapos ay naghuhugas na ako ng kamay nang marinig ko ang boses ni Addison. May kausap siyang babae — hindi ko lang makilala kung sino, pero malinaw na babae rin iyon.
“Nakita mo hinalikan ni Papa Ruins si Jamilah? Feeling maganda raw siya, pero ako ang mas maganda—huh!” sabi ni Addison, may mapanuksong ngiti.
“Akala ko ba aagawin mo siya sa lalaking ‘yun?” tanong ng kaibigan.
“Oo naman. Ngayong gabi, sisiguraduhin kong hindi na siya makakapagpahilom kay Papa Ruins,” sagot ni Addison, mabigat ang tono.
“Paano mo ‘to gagawin kung palagi silang magkadikit?” pagpupumilit ng kaibigan.
“Tingnan mo na lang,” sagot ni Addison. “May apat akong lalaking binayaran para pagsawaan ang Jamillah na yon—pero huwag kang mag-alala, walang makakaalam na ako ang may pakana. Sisiguruhin kong hindi na siya babalikan ni Papa Ruins at mabunyag talaga ang tunay niyang mukha sa camera.”
“Magmadali ka na, baka makahalata,” bulong ng isa pa.
“Relax. Hindi siya makakapalag professional magtrabaho ang apat na lalaking ‘yon.”
Kuyom ang aking mga kamao habang pinakikinggan ko ang mga naririnig. Ngunit pinigilan ko ang sarili kong lumabas; hinintay kong makapasok muna sa bawat cubicle ang dalawa bago ako lumabas ng restroom.
Paglabas ko, agad akong nagtungo sa kinaroroonan ni Ninong Ruins—ngunit wala na siya roon.
Kinabahan ako nang mapansin kong mabilis ang lakad ni Addison, patungo sa ibang direksyon. Agad ko siyang sinundan, paminsan-minsang palinga-linga sa paligid, umaasang mamataan ko si Ninong Ruins.
Hanggang sa makarinig ako ng mga tinig. Dahan-dahan akong lumapit at sumilip sa siwang ng pinto.
Ano ba ang gusto mo?”
“Layuan mo siya! Hindi siya ang nababagay sa’yo. Ang anak ko ang dapat mong pakasalan!”
“Hindi ko gagawin ang gusto mo. Hindi kagaya ng anak mo ang babaeng bibigyan ko ng pangalan. At huwag mong subukang galawin ang akin—magkakasubukan tayo.”
“Ano bang nakita mo sa babaeng ’yon? Isa lang siyang ulilang walang maipagmamalaki! Samantalang ang anak ko, malaking tulong sa negosyo mo!”
“Hindi ko kailangan ng tulong ninyo, lalo na ng anak mo na pinagsawaan ng kahit sinong lalaki!”. Isa pa huwag mo nang ipilit—ang desisyon ko ang masusunod!”
“Ano’ng pinagsasabi mo? Gusto mo bang makasuhan ha?!”
“Kung ’di ka naniniwala, panoorin mo! Lahat ng lalaking dumaan sa anak mong sobrang ipinagmamalaki mo, makikita mo rito!”
Agad akong umalis nang makita kong papalapit na si Ninong Ruins sa pintuan ng restroom. Mabilis kong tinungo ang lugar kung saan ko siya iniwan kanina, ngunit patuloy na gumugulo sa isip ko ang narinig kong tungkol sa babaeng tinawag niyang orphan. Sino siya? At ano ang relasyon ni Ninong Ruins sa kanya?
Nang matanaw ko si Ninong, agad kong ikinunwa na hindi ko siya napansin. Nakayuko ako habang nilalaro ng dulo ng sapatos ko ang sahig. Medyo sumasakit na rin ang paa ko dahil sa suot kong two-inch heels.
“Baby, let’s go,” aniya.
“Ninong, saan ka po galing? Kanina pa po ako naghihintay sa inyo dito,” kunwari’y inosente kong tanong.
“May kinausap lang akong tao,” sagot niya sabay haklit sa bewang ko at kinabig ako palapit sa kanya.
“Ninong, maraming tao… nakakahiya po,” mahinang bulong ko.
“Walang nakakahiya sa ginagawa natin,” malamig niyang tugon, bago niya ako biglang hinalikan sa labi—mabilis lang, pero sapat para mapako ako sa kinatatayuan. Nang maghiwalay ang aming mga labi, ngumiti siya nang malapad, para bang walang nangyari.
Magkasabay kaming naglakad patungo sa parking area. Ngunit bago pa kami makarating, may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko, bumungad si Addison—naka-ngiti, at bago ko pa maunahan ng reaksiyon, niyakap niya ako nang mahigpit.
“Sumama muna kayong dalawa, may malaking party sa bahay,” paanyaya ni Addison sa aming dalawa ni Ninong Ruins.
Agad akong kinabahan kaya mabilis akong tumanggi.
“Sorry, Addison, may party din kasi sa bahay namin,” pagsisinungaling ko sa kaniya.
“Mas mabuti pala kung gano’n,” nakangiti pa rin niyang tugon. “Doon muna tayo sa amin, tapos lilipat tayo sa inyo pagkatapos.”
Kasabay ng mga salitang iyon ay bahagya akong sumulyap kay Ninong Ruins na tahimik lang at walang reaksyon.
“Ahm… pasensya na talaga, pero hindi ako makakasama,” mahinahon kong sagot, pilit na iniiwas ang tingin.
“Baby, let’s go. Baka malate na tayo,” naiiritang tawag sa akin ni Ninong Ruins.
“Opo, nariyan na po,” mabilis kong tugon saka ko hinila ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni Addison. Kita ko sa mga mata niya ang pagpipigil ng galit, kaya agad akong tumakbo papalapit kay Ninong Ruins.
Ngunit bago pa kami tuluyang makaalis, mabilis na lumapit si Addison at mahigpit na humawak sa bakanteng braso ni Ninong Ruins.
“Pumayag ka na, pangako—hindi mo pagsisisihan ang pagsama sa bahay namin.”
“Let me go!” mariing tugon ni Ninong Ruins sabay alis ng kamay ni Addison sa kaniyang braso.
“Bakit ang arte mo? Tingnan mo nga ‘yang babaeng ‘yan—mukhang probinsyana! Samantalang ako, pinakamaganda rito, pinag-aagawan ng lahat, pero nagkukunwari kang ayaw sa akin, huh!” mayabang na sabi ni Addison, puno ng pangungutya.
Hindi na siya pinansin ni Ninong. “Halika na, baby,” aniya sabay kabig sa baywang ko. Tahimik kaming naglakad palayo habang naririnig pa ang sigaw ni Addison sa likuran.
“Pagsisisihan mong tinanggihan ako! At ikaw, Jamilah—hindi ka marunong tumupad sa usapan! Sa muli nating pagkikita, sisiguraduhin kong iiyak at magmamakaawa ka sa akin!”
Hindi na kami lumingon. Naririnig ko pa rin ang poot sa boses niya, ngunit pinilit kong manatiling kalmado.
“Forget her,” mahinahong sabi ni Ninong Ruins. “Hindi mo dapat pinag-aaksayahan ng panahon ang kagaya niya.”
“Kahit paano, naging kaibigan ko rin naman siya,” sagot ko, halos pabulong. Hindi ko maalis sa dibdib ang kaba—lalo na’t narinig ko mismo ang mga plano ni Addison laban sa akin.
“Alam ko naman ‘yon, baby. Pero ang katulad niya ay dapat mo nang kalimutan. Hindi siya tunay na kaibigan—bagkus, siya pa ang magiging dahilan ng kapahamakan mo.”
“Opo, Ninong Ruins. Marami po siyang binabalak na masama laban sa akin.”
“Baby, sabihin mo sa akin... ano bang mga plano ang tinutukoy mo?”
“Ahm… heto po, pakinggan n’yo.” Inabot ko sa kanya ang cellphone ko. “Narinig ko kasi silang nag-uusap habang nasa loob ako ng cubicle sa restroom. Agad kong nirecord ang mga sinabi nila para may ebidensya ako sakaling totoo ang plano niya.”
Tahimik lang si Ninong habang pinapakinggan ang audio. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala at galit na pinipigilan.
“Baby… pasensiya ka na. Dapat sinamahan na lang talaga kita hanggang sa pintuan,” malumanay niyang sabi matapos mapakinggan ang recording.
“Okay lang po, Ninong. Mabuti nga po at nalaman ko ang masamang balak niya bago pa man niya magawa.”
“Hindi ko ‘yon papayagan,” madiin niyang sabi habang mahigpit akong niyakap. “Huwag kang matakot, andito ako.”
“Alam ko naman po ‘yon, Ninong,” tugon ko, sabay yakap pabalik.