SHAIRENE POV. TINAAS ko ang aking buhok bago isinuot ang cap. Hawak ang susi ng sasakyan, lumabas ako ng pinto at may malalaking hakbang na tinungo ang elevator. Sa suot kong relo, alas-otso ng gabi. Nang magsara ang pinto, humarap ako sa salaming dingding at minasdan ang aking sarili. Ito ako. Sa ganitong anyo ako komportable. Sa ganitong porma ako kilala ng mga kaibigan ko. At sa ganitong pananamit ko nagagawa ang lahat ng nais ko, walang pag-aalinlangan at walang pagkukunwari Si Lolo lang naman ang may gustong magpanggap akong isang babaeng-babae… sa kilos at pananamit. May gusto raw siyang ipares sa akin, at kapag napaibig ko iyon, iiwan ko na raw ang pagiging tomboy ko. Kaya naman, gagawin ko ang lahat… huwag lang maging tunay na babae. Simula nang magpakasal sa iba ang ultimate
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


