THUNDER-DOS & STORM-TRES MALAKAS ang kulog, wari’y nakikisimpatiya ang kalangitan kay Dos. Sa edad kong dalawampu’t limang taong gulang, ni minsan ay hindi ako umiyak dahil sa isang babae. Ngunit ngayon… ngayon ang araw na para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Dalawang taon akong nagtiis mula sa matinding pagsasanay sa militar; dalawang taong punô ng hirap, lungkot, at pananabik sa pamilyang iniwan ko. Pinanghawakan ko ang paniniwalang may babalikan pa ako pagbalik ko. Ngunit ngayong narito na ako, saka ko lamang napagtanto ang katotohanan… wala na pala akong babalikan. *** NANG sumapit ang araw ng aking pagtatapos mula sa ilang taong pagsasanay sa militar, nag-uumapaw ang aking puso sa pananabik at saya. Sa wakas, makikita at makakasama ko na muli ang aking pamilya. Dumaan pa

