JAY ROYZ POV INUULAN kami ng tuksuhan. Isa sa mga dare ay kung kaya ko raw magdala ng babae sa hiking naming ito. Mula nang maging kaibigan at kainuman ko sila, ni minsan ay hindi nila ako nakitang may kasamang babae sa ganitong mga lakad. “Tol Jay, ngayon naniniwala na kami… in love ka na talaga,” kantiyaw ng isa. “Tado! Basta ihanda n’yo ang reward ko,” sagot ko habang napapangiti. “Pero kakaiba ‘yang baby mo. Mukhang magaling na racer… higit sa lahat, batang-bata at siguradong brand new. Mukhang ikaw yata ang first use,” pahabol pa niya. “Loko, tigilan mo ang ganyang pananalita. Hindi siya kagaya ng mga babaeng naging laruan natin.” Hindi ko napigilang makaramdam ng inis. “Ikaw naman, biro lang ‘yon. Alam ko namang espesyal siya sa’yo.” “Hindi lang espesyal,” mariin kong sagot.

