CHAPTER- 44

1924 Words

ANG PAGTAKAS JANINE ROICE POV. NAPADPAD kami sa isang liblib na lugar—walang signal, walang kahit anong palatandaan na makakasagap ako kahit konting komunikasyon. Kaya walang chance upang makontak ko si Daddy. Gabi na at nilalamon ng matinding dilim ang paligid. Tanging huni ng mga panggabing kulisap ang maririnig, at pakiramdam ko ay wala na akong lakas para maglakad pa nang malayo. Alam kong nahihirapan na rin sa akin si Mr. Cezar, ngunit wala siyang magawa. Ilang beses na kaming napahinto dahil sa pagod ko. “Gaano kalaki ang tiwala mo kay Rowella?” bigla niyang tanong, walang pasabi. Napakunot ako ng noo. “Bakit mo naman natanong ‘yan?” “Wala naman,” aniya, ngunit halatang nag-iisip. “Hangga’t maaari ayaw kong husgahan siya… pero bakit nasa bayan siya kaninang naganap ang pag-ata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD