JILL POV. NAGISING ako sa kakaibang init na bumabalot sa silid. Bumangon ako, binuksan ang ilaw, at agad na kinuha ang remote para lakasan ang aircon. Malamlam lamang ang liwanag mula sa magkabilang lampshade, sapat para bigyang-anino ang bawat sulok ng kwarto. Paglingon ko kay Janine Roice, napansin kong mahimbing ang kanyang tulog… ngunit hindi ko mapigilan ang pag-aalala. Baka pati siya ay naiinitan. Lumapit ako at marahang dinama ang kanyang leeg. Mainit. Pawisan. Maingat kong inangat ang kumot, balak ko sanang ibaba iyon hanggang paanan… ngunit natigilan ako nang tuluyang nabungaran ang kabuuan niya. Ang suot niyang pantulog ay umakyat hanggang tiyan, para bang gumulong siya nang ilang beses habang natutulog dahilan upang tumaas iyon. Sa ibaba, tanging manipis na underwear ang tu

