SIMULA

3463 Words
UNANG TIKIM Madilim na ang paligid, ngunit naririto pa rin ako sa bakuran, nag-iisa. Wala pa sina Mommy at Daddy; maaga silang nagtungo sa venue kung saan gaganapin ang mahalagang araw ko. Kaarawan ko na naman bukas. At gaya ng mga nakaraang taon, umaasa pa rin ako — baka sakaling ngayong taon, dumating na si Ninong. Hindi ko na nga mabilang kung ilang kaarawan na ang lumipas mula nang hilingin ko siyang makita. Taon-taon, umaasa ako. Taon-taon din akong nabibigo. Hindi ko mapigilan ang lumuha. Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa aking Ninong Ruins? Sa mga larawan lang na ipinapadala niya kay Daddy ko siya nakikita. Halos mapuno na nga ng mga litrato niya ang kwarto ko, pero kahit isa, wala pa rin akong personal na alaala sa kanya. Sabi ni Daddy, umalis daw siya ng bansa noong tatlong taong gulang pa lang ako, at simula noon, hindi na siya muling nakauwi. Napakatagal na rin ng panahong lumipas. Ang sabi pa ni Daddy, baka hindi na raw talaga babalik si Ninong dahil nag-asawa na siya ng Amerikana. Pero ayaw kong maniwala. Hangga’t hindi mismo si Ninong ang nagsasabi sa akin, mananatili akong umaasa. Hangga’t kaya ko, hihintayin ko pa rin siya. Ang sakit-sakit sa dibdib. Hanggang ngayon, sa mga litrato lang ni Ninong Ruins ko siya nakikita. Mula pagkabata hanggang sa mga sandaling ito, siya na ang tanging lalaking minahal ko—ang unang crush ko, at marahil, ang huli na rin. Siya lang ang gusto ko. Siya lang ang minahal ko nang walang alinlangan, kahit alam kong malabo, kahit larawan lang ang palagi kong kasama. Pero ang pinakamasakit, kahit isang beses, hindi man lang siya bumalik. “Ninong!” tawag ko sa kawalan, kahit alam kong walang makakarinig. “Kailan ka ba babalik? Kailan mo ako pupuntahan upang masabi ko sayo ang nasa loob ko? Wala akong ibang minahal kundi ikaw. At kahit alam kong mali patuloy pa rin akong umaasa.” Magdi-disenwebe anyos na ako bukas, pero ni minsan, hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend. Marami nang nanligaw, pero wala ni isa ang nakakuha ng atensyon ko. Kasi para sa akin, matagal nang may nagmamay-ari ng puso ko — si Ninong Ruins. Paano nga ba nagsimula ang lahat? Hindi ko makakalimutan iyon. Katatapos lang ng kaarawan ko noon, sampung taong gulang pa lang ako. May kumatok na kartero sa gate namin, may dalang liham na nakapangalan kay Daddy. Pero dahil abala silang lahat sa paghahanda, ako ang lumabas para tanggapin iyon. Pagbukas ko ng sobre, natigilan ako. Nasa loob ang isang liham at ilang larawan ni Ninong Ruins. Doon ko siya unang nakita nang malinaw — ang ngiti niyang parang kayang tunawin ang buong pagkatao ng isang batang tulad ko. At mula noon, sa tuwing nakikita ko ang litrato niya, iba na ang t***k ng puso ko. Hindi ko pa alam noon kung ano ang tawag doon, pero ngayon alam ko na — doon nagsimula ang una kong pag-ibig. Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Daddy. “Anak, bakit hindi ka pa natutulog? Bukas na ang kaarawan mo. Baka maging haggard ang itsura mo,” biro niya, kasabay ng mahinang tawa. “Hinihintay ko po kayo ni Mommy,” sagot ko habang pinupunasan ang luha sa pisngi. “Halika na, pumasok na tayo sa loob. Bukas may sorpresa kami ng mommy mo para sa’yo,” sabi niya sabay tapik sa balikat ko. “Salamat po sa inyo ni Mommy,” sagot ko, pilit na pinasisigla ang boses. Pero sa loob-loob ko, alam kong hindi na ako nasisiyahan sa mga gano’ng sorpresa. Parang paulit-ulit na lang — mga regalo na hindi ko naman gusto. Alam ko kahit hindi ko sabihin alam din nila — si Ninong Ruins - pero wala pa rin siya. Pagkatapos kong magpaalam kina Mommy at Daddy, pumasok na ako sa kwarto. Pagbukas ko pa lang ng ilaw, agad kong nasilayan ang mga litrato ni Ninong Ruins na nakadikit sa dingding — mga ngiti niyang kabisado ko na, mga mata niyang tila laging nakamasid sa akin. Isa-isa ko silang tinitigan. Hindi ko namalayang tumulo na naman ang mga luha ko. Kinuha ko ang isa sa mga larawan — ‘yung paborito kong kuha niya, ‘yung may bahagyang ngiti sa labi. “Bukas, pag hindi ka pa rin dumating,” bulong ko sa gitna ng hikbi, “magpapaligaw na ako sa iba. At kahit umuwi ka pa sa mga susunod na araw… who you ka na sa akin, huh?” Pinilit kong ngumiti, pero agad ding napalitan iyon ng bigat sa dibdib. Dahan-dahan kong ibinalik ang larawan sa dingding, saka hinalikan ang pinakalatest niyang picture — isang halik na puno ng pangungulila. Kinabukasan, ginising ako ni Mommy. “Anak, bangon na. Maligo ka na at pupunta tayo sa salon. Ipa-makeover kita para mamaya sa party mo, siguradong maganda ka.” Hindi ako sumagot; tumango lang ako kahit wala akong ganang magsalita. Pag-alis niya sa kwarto, dahan-dahan akong bumangon at nagtungo sa dining room. Pag-upo ko sa mesa, agad akong sinalubong ni Aling Anita, ang aming kasambahay. “Good morning, Ma’am Jamillah! Anong gusto mong inumin? Gatas o juice?” masigla niyang tanong. Ngumiti ako nang bahagya. “Hot coffee with milk po, thank you,” nakangiti kong sabi kay Aling Anita.” Habang inihahain niya iyon, napatingin ako sa kanya - kasabay nang pasasalamat. Siya na yata ang isa sa mga matagal nang kasama ng pamilya namin—sabi nga ni Mommy, mula pa raw noong ipinanganak ako, naroon na siya. Kaya parang pangalawang ina ko na rin si Aling Anita. “You’re welcome, hija. Happy birthday pala sa’yo! Mamaya, ibibigay ko ang regalo ko,” masigla niyang bati. “Thank you po, nag-abala pa kayo,” tugon ko, bahagyang nahihiya. “Syempre naman,” sagot niya na may ngiti, “masaya akong makapagbigay ng regalo sa’yo.” Lumipas ang buong araw sa mga paghahanda. Hanggang sa sumapit ang ika-anim ng gabi, handang-handa na akong humarap sa mga bisita. Nakaayos ang buhok ko, maganda ang suot ko — lahat ay perpekto. Pero kahit gano’n, ramdam kong may kulang. Wala na naman si Ninong Ruins. Sinikap kong ngumiti para kina Mommy at Daddy. Nakatayo kami ngayon sa itaas ng hagdan, naghihintay na lang ng tawag ng emcee. Pero napansin kong ang tagal na. Kanina pa nila sinabi na ready na ako, pero bakit parang may inaayos pa sila sa ibaba? May kung anong kaba sa dibdib ko — hindi ko alam kung excitement o lungkot. Basta ang alam ko, parang may mangyayaring kakaiba ngayong gabi. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko marinig ang aking pangalan. Sa wakas, tinatawag na ako ng emcee. Kasabay ng pagtunog ng musika — ang kantang paborito ko, kahit hindi niya naririnig ang lihim kong iniaalay kay Ninong Ruins — nagsimula akong bumaba ng hagdan. Ngunit sa kalagitnaan ng aking paglalakad, bigla akong napatigil. May isang lalaking umaakyat sa hagdan, diretso sa direksiyon ko. Matangkad, gwapo, at pamilyar — sobra sa pamilyar. Parang huminto ang lahat. Ang mga ilaw, ang tugtog, ang ingay ng mga tao — lahat naglaho sa paligid. Ang tanging nakikita ko lang ay siya. Hindi ako makagalaw. Ang puso ko, parang sumabog sa dibdib. Akala ko guni-guni lang… hallucination, o marahil panaginip. Pero habang papalapit siya, mas lalo kong nakikita ang mukha niya — ang ngiti, ang mga mata, ang bawat detalye - Si Ninong Ruins. “Happy birthday, my baby Jamilah,” malambing niyang bati, kasabay ng ngiting matagal ko nang inaasam na makita. “N–Ninong Ruins… i-ikaw po ba talaga ‘yan? Hindi ba ito hallucination ko lang?” halos pabulong kong sabi, nanginginig ang tinig habang nagdarasal sa isip na sana, totoo ang nakikita ko - sana siya talaga ang nasa harap ko. “Yes, it’s me — your Ninong. Kumusta ka na, inaanak?” tugon niya, may lambing sa boses na parang muling nagpaalala ng kabataan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Ninong Ruins ko!” sigaw ko, halos mabingi ang paligid sa tili kong puno ng tuwa at pagluha. Ni hindi ko na inalintana ang mga bisita. Tumakbo ako palapit at mahigpit siyang niyakap, parang takot akong muli siyang mawala. Ramdam ko ang t***k ng puso niya sa dibdib, at ang mainit na yakap na matagal kong inaasam. “Oh my God…” bulong ko sa gitna ng luha, “salamat, Panginoon. Totoo ito… dumating talaga siya.” At sa sandaling iyon, parang tumigil ang oras. Ang lahat ng taon ng paghihintay ko sa kanya, biglang naglaho sa isang yakap. Habang lumilipas ang oras, ang puso’t isipan ko ay nakatuon lang kay Ninong Ruins. Bawat galaw niya, bawat ngiti, bawat sulyap—parang lahat iyon ay musika sa pandinig ko. Pakiramdam ko, mahuhulog ang puso ko sa sobrang saya. Lumapit si Daddy, may ngiting may halong lambing. “Anak, masaya ka ba sa regalo namin ng mommy mo?” Napatingin ako sa kanya, saka kay Ninong. “Ibig n’yo pong sabihin… si Ninong Ruins ang regalo n’yo sa akin?” Tumango si Daddy. “Oo, anak. Alam naming siya lang talaga ang gusto mong makita sa tuwing kaarawan pero lagi kang bigo. Kaya naman ngayong kaarawan mo, tinupad namin iyon at ginawa namin ang lahat para makauwi siya.” Hindi ko napigilang mapaluha sa tuwa. “Maraming salamat po, Daddy, Mommy… ito po ang pinakamasayang kaarawan ko.” Lumapit ako at niyakap sila nang mahigpit. Ramdam ko ang init ng pagmamahal nila. At sa sandaling iyon, parang buo na ulit ang mundo ko. Lumalim na ang gabi. Kaunti na lang ang mga bisitang natira; karamihan ay nagpaalam na. Kaya’t sinabi niya sa mga magulang na gusto na niyang unuwi sa bahay nila. Sakay sila ng renta-car at hindi kalayuan ang venue sa bahay—sampung minuto by car, kaya agad din silang nakarating nang bahay. Sa balkonahe, nanatili sina Daddy at Ninong Ruins, doon nagpatuloy sa pag inom habang nagtatawanan. Si Mommy naman, dumeretso na sa kwarto para matulog — pagod sa buong araw na paghahanda. Ako, pumasok sa aking silid at mabilis na nag alis ng gown, pumasok sa banyo at naligo.; ilang minuto at lumabas din agad. Pagkabihis ay nahiga na rin agad. Ngunit hindi ako dalawain ng antok. Siguro ayaw ko pa ring matapos ang gabing ito. Baka kasi pagmulat ko bukas ng umaga, wala na si Ninong. Sigurado akong magiging abala siya sa mga kaibigan at kamag-anak na gusto ring makasama siya. Kaya gusto kong samantalahin ang bawat sandaling narito siya. Napabuntong-hininga ako habang nakahiga. Bakit ang tagal malasing ni Daddy? Kung matutulog na siya, puwede ko sanang makausap si Ninong — kahit sandali lang. Dahan-dahan akong bumangon at naglakad papalabas ng kwarto. Ngunit bago pa ako makalapit sa balkonahe, narinig ko ang mga boses nila. Napahinto ako. “Pareng Sid,” wika ni Ninong Ruins, mababa at seryoso ang tono, “alam mo naman ang tunay kong dahilan kaya ako umuwi dito… para tuparin mo ang pangako nating dalawa.” Walang sagot mula kay Daddy, tila nag- iisip ito nang malalim. “Nakalimutan mo na ba ang napag-usapan natin?” muling tanong ni Ninong Ruins, mababa ang boses at puno ng bigat. “Hindi ko ‘yon nakakalimutan,” tugon ni Daddy. “Kaya nga sinabihan kita na umuwi, kahit sandali lang — para makita ka niya, at para rin matapos na dapat ay matagal na nating napag-usapan.” Saglit na katahimikan. Narinig kong huminga nang malalim si Ninong Ruins bago muling nagsalita. “Pareng Sid, may narinig akong balita mula sa tropa… may umaaligid daw sa kanya. Alam mo kung bakit ako nagtiis sa malayo, ‘di ba? Ayokong may mangyaring hindi malinaw, kaya gusto kong maayos natin lahat bago ako bumalik.” “Alam ko, Pareng Ruins,” mahinahong sagot ni Daddy. “At huwag kang mag-alala. Hindi ako sisira sa pangako natin.” “Mabuti,” wika ni Ninong, medyo gumaan ang tono. “Gusto ko lang malinaw ang lahat. Ayaw kong dumating sa puntong magkaproblema pa tayo.” “Konting panahon na lang,” sagot ni Daddy, “at makakasama mo siya. Ang pakiusap ko lang, sana kapag dumating ‘yong oras… huwag mo siyang sasaktan. Alam mo kung gaano ko siya kamahal.” “Alam mong hindi mangyayari ‘yon. Ang mabuti pa, matulog na tayo. Maaga pa ang alis ko bukas,” sabi ni Ninong Ruins, malamig ang tinig. Parang biglang lumamig din ang paligid ko dahil sa huling sinabi niya. Aalis siya? Bukas agad? Mabilis akong humakbang at lumapit sa kanila. “Daddy,” sabi ko, pilit pinipigil ang kaba, “matulog na po kayo. Ako na ang bahala kay Ninong.” Tiningnan ako ni Daddy, saglit na nag-alinlangan, saka tumango. “Sige. Diyan mo na lang patulugin ang Ninong mo sa mahabang sofa, ha?” “Opo. Good night po, Daddy.” “Good night, anak,” sagot niya bago pumanhik sa itaas. Pagkaalis ni Daddy, tumahimik ang buong bahay. Umupo ako sa tabi ni Ninong, at ilang sandali, walang nagsalita sa amin. Pareho kaming tila nag-iisip, pareho ring hindi alam kung saan magsisimula. “Totoo po ba… aalis na ka rin agad?” mahina kong tanong, ako na ang bumasag ng katahimikan. Napatingin siya sa akin — seryoso, tila may mabigat na iniisip. “May dahilan kung bakit kailangan gawin ko iyon,” mahinahon niyang sagot. “Pero bago ako umalis, may gusto akong ipaliwanag sa’yo.” “Sige po, makikinig ako. Sandali may kukunin muna ako sa kusina. Hindi ako magtatagal - babalik din agad.” tumayo na agad ako at saglit siyang iniwan. Pagbalik ko mula sa kusina, wala na si Ninong sa inuupuan niya kanina. Napakunot ang noo ko. “Ninong?” tawag ko, pero walang sumagot. Tahimik ang bahay, tanging tik-tak ng orasan ang naririnig ko. Naglakad ako papunta sa hallway at doon ko siya nakita — nakatayo sa may pintuan ng banyo, hawak ang isang bagay, parang may kinakausap. Hindi ko naririnig lahat ng sinasabi niya, pero ilang salitang dumapo sa tenga ko: “…ohh baby, akin ka lang…” nakatingala siya habang patuloy sa mahinang pagsasalita. At kailangan kong umalis bago siya makahalata. Nang lingunin niya ako, mabilis niyang binitawan ang hawak. “Jamilah,” mahinahon niyang sabi, “anong ginagawa mo rito? Dapat tulog ka na.” “May kausap po ba kayo, Ninong?” tanong ko, pilit pinapakalma ang sarili. “Wala. Wala iyon.” Ngumiti siya, pero may kakaiba sa ngiti. At sa sandaling iyon, ramdam kong may hindi siya sinasabi — isang sikreto na pilit tinatago. Tumalikod ako at umalis ngunit agad din huminto sa paghakbang nang muli kong narinig ang sinabi niya: Ahhh! Baby ko…” hinihingal ang boses ni Ninong Ruins - muli akong humakbang palapit sa kanya. Paglapit ko sa banyo, agad kong narinig ang malalim na paghinga niya. Para siyang hirap na hirap o may dinaramdam. Gusto ko sanang tawadin siya at tanungin, pero nag-atubili ako - sa bandang huli nagdesisyon ako. Nang buksan ko nang bahagya ang pinto, nagulat ako — hindi ko alam kung ano ang nakikita ko, pero malinaw na may hindi tama - hawak ang malaking bagay na naroon sa pagitan ng hita: ni Ninong Ruins. Mabilis niyang isinara ang pinto at sumigaw, “Jamilah! Bakit ka nandiyan?” Hindi ako nakasagot. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, habang bumibilis ang t***k ng puso ko. Pagkalipas ng ilang segundo, lumabas siya, halatang nagulat din nang makita ako - naroon pa rin sa gilid nakatayo. “Hindi mo dapat ginagawa ‘yan, Jamilah. Huwag kang basta pumapasok nang banyo lalo at kung may lalaking gumagamit.” Ngunit hindi na ako nakinig. Ang isip ko ay puno ng tanong. Ano bang nangyayari sa akin? At bakit ako parang hindi makakilos kahit gusto kong tumakbo? “J-Jamilah, ano ba talaga ang ginagawa mo diyan? Bakit nakatayo ka pa at hindi natutulog?” Nang marinig kong muli ang tinig niya, parang natigilan ang buong katawan ko. Hindi ako makasagot. Agad akong tumakbo palayo, pero bago pa ako makalayo ay hinawakan niya ang aking braso. “Sandali lang,” mahinahon niyang sabi. “Makinig ka muna sa akin.” Hindi ko siya matingnan nang diretso. Ramdam ko pa rin ang kaba, ang mga bagay na naglalaro sa isipan ko. “Wala kang dapat ikatakot, Jamilah,” dagdag niya. “May mga bagay na hindi mo pa kailangang malaman ngayon… pero darating din ang panahon na mauunawaan mo.” Tumango lang ako, kahit gusto kong sabihin - hindi ako takot sa kanya, kahit hindi ko lubos na nauunawaan ang mga salitang narinig ko. “Uuwi na ako,” sabi niya. “At sana, huwag mo munang banggitin sa kahit sino ang lahat ng nakita mo. Hindi dahil gusto kong magsinungaling ka, kundi dahil… tayong dalawa lang dapat ang nakakaalam n’on.” Tahimik lang akong tumango. Habang hinahatid ko siya palabas ng gate, ramdam kong may bigat sa bawat hakbang niya — at sa bawat t***k ng puso ko, may halong kaba, at the same time nanabik ako na makasama pa siya. Pagdating namin sa bahay nila Ninong Ruins, akala ko ay doon na magtatapos ang gabi. Ngunit bago ako makalakad pabalik, bigla niya akong hinila papunta sa gilid ng bahay — sa parte kung saan madilim at walang makakakita. “Ninong? Bakit po—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Lumapit siya nang masyado. Sa bahagyang liwanag mula sa poste, nakita ko sa mga mata niya may halong kalungkutan at pagkalito, ngunit may kung anong kakaiba na nagpanginig sa akin - hinalikan niya ako nang may dahas. “Ninong, nasasaktan ako…” mahinahon kong sabi, halos pabulong nang bitawan niya ang labi ko. Napahinto siya. Ilang segundo ang lumipas bago siya umatras. “Pasensiya ka na, Jamilah,” sabi niya, mababa ang tinig. “Hindi ko dapat ginagawa ito.” Hindi ako makapagsalita. Gusto kong hawakan ang braso niya, gusto kong magsalita, pero nanatili lang akong nakatayo sa dilim, habang naririnig ang mahinang paghingal niya. Maya-maya, siya na ang unang tumalikod. “Umalis ka na. Huwag mo nang sabihin kahit kanino, ang n-nangyaring ito.” At sa unang pagkakataon, nagsesisyon ako - tumakbo ako palapit at mahigpit na niyakap si Ninong Ruins — ang lalaking matagal kong hinintay, hindi ko papayagan na sa ganito lang matapos ang gabi. “Baby, b-bitaw hanggang kaya ko pa,” sabi ni Ninong Ruins, ngunit hindi ako nakinig at lumapit pa ang mukha ko, dahan-dahan pinihit siya paharap sa akin. Ramdam ko ang init ng kaniyang hininga, ang bigat ng katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Hanggang nasumpungan ko ang aking sarili - nakatingkayad ako at hinahalikan ang labi ni Ninong. “Ninong…” mahina kong sambit, ngunit bago ko pa masabi ang susunod na salita, bigla akong sinibasib ng halik. May kakaiba sa mga kilos niya — may pagmamadali. “Ninong, tama na po…” halos pabulong kong sabi, hinihingal ang boses ko nang bitawan niya ang labi ko. Bigla siyang natauhan, umatras, at itinakip ang kamay sa kaniyang mukha. “Diyos ko…” bulong niya, puno ng pagsisisi. “Anong ginagawa ko?” bigla kong tinakpan ang bibig niya gamit ang palad ko. Ngunit inalis niya at nagsalita, “baby, bumalik ka na sa bahay nyo.” nahihirapan sambit niya. Sa halip na tumakbo ako pabalik sa bahay, muli kinabig ko ang ulo ni Ninong. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko ako — basta ang alam ko, gusto ko may mangyari sa gabing iyon. Bago siya umalis ipagkaloob sa kanya ang sarili ko. “Baby, sigurado ka ba, handa ka ba talaga ipagkaloob sa akin ang bagay na yon?” “Yes, i’m yours - Ninong Ruins.” sigurado ang sagot ko. Binuhat ako at dinala sa loob ng bahay niya. At buong gabi inangkin namin ang isa’t-isa. Kinabukasan, nagising ako wala na si Ninong sa tabi ko. Bumalikwas ako ng bangon at nagmamadaling nagbihis - sabay takbo pabalik sa bahay namin. “Anak…” mahinang tawa ni Mommy, tila may pighati sa tinig. Ngunit bago pa ako makasagot, lumitaw si Ninong Ruins— hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko, yayakapin siya sa harap ni Daddy at Mommy? “Pareng Sid, maari ba iwanan nyo muna kami?” ang boses ni Ninong Ruins - may bigat at seryoso. “Sige, naroon lang kami sa sala.” may lungkot ang boses na sagot ni Daddy. Nang makaalis ang mga magulang ko, tinanong ko si Ninong, hindi siya sumagot. Tanging katahimikan lang ang nasa pagitan namin. Hahakbang na ako paalis nang may yumakap sa akin. Hindi ako nagsasalita at naghihintay ng sasabihin niya. Ngunit wala akong narinig kahit isang salita mula sa kanya - basta nanatili magkadikit ang katawan naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD