BABAENG NAGTANGKANG MANIRA NG RELASYON RUINS POV. SA kagustuhan ni Jamillah na makapunta sa lamay ni Sid, ang taong nag-alaga at nagpalaki sa kanya, muli kong hiningi ang tulong ng buong tropa at ng Lady Group para sa kanyang proteksyon. Isa pa, may isa pa akong dahilan kung bakit ako pumayag: baka naroon ang asawa ni Sid. May mahalagang kailangan akong malaman mula sa kanya, isang impormasyong tanging ang babaeng iyon lamang ang nakakaalam. Ganun din ang isang book, kailangan ko ‘yon makuha. Pagkaparada ng limang sasakyan, nasa ikalawang hanay kami. Hindi ko muna pinababa si Jamillah. Nauna ang mga miyembro ng Lady Group, pati ang tropa. Saka pa lamang kami bumaba at diretsong pumasok sa loob. Ngunit agad kaming sinalubong ng galit na galit na ina ni Addison. “You killed my daughte

