NAGUGULUHAN JANINE ROICE POV. SA mga nakalipas na araw, linggo, at buwan, hindi na ako ginugulo ni Jack. Hanggang sa isang araw, nabalitaan ko na lamang na wala na siya sa bansa. Pinakikiramdaman ko ang sarili ko kung may mararamdaman ba akong panghihinayang o kahit kaunting kirot sa dibdib… ngunit wala. Normal lang ang lahat sa akin, kahit hindi ko na siya nakikita. Si Mr. Cezar—o sa tunay niyang pangalang Jill—hindi na rin nagpaparamdam. Ang sabi ni Daddy, nasa malayong probinsya daw sila ngayon. Ngayon, nagsimula na ako sa bago kong trabaho… hindi sa university, kundi dito sa sarili kong JRoice VIP Lady’s Boutique. Narito rin si Mommy, dahil dumating na ang delivery mula sa Paris. Gusto raw niyang siya ang unang makakita, kaya hinayaan ko na lang siya sa mga nais niyang gawin. ---

