UNANG HALIK JANINE ROICE POV. NANLALAKI ang aking mga mata nang bigla akong halikan ni Jill. Sinubukan ko siyang itulak… pero hindi ko magawa. Parang may humihigop sa lakas ko, unti-unting nanghihina ang mga tuhod ko. Dahil doon, napakapit ako sa braso niya. Unang halik ko iyon sa labi… mainit, masarap, at nakakayanig. Dahan-dahang sumisiksik sa katawan ko ang kakaibang init, hanggang sa hindi ko namalayan tumutugon na ako sa halik niya. Ang hindi ko maintindihan… bakit ganito ang nararamdaman ko para kay Jill? Kung tama ang alaala ko, hinalikan na rin ako ni Jack noong high school… sa pisngi nga lang—at malakas ko pa siyang naitulak noon. Ibig bang sabihin, hindi talaga si Jack ang mahal ko? Na ang akala ko lang ay siya ang gusto ko dahil palagi kaming magkasama? Ngayon, parang mas m

