ANG MAGKAPATID JILL POV. NAKATANGGAP ako ng isang unknown message. Ayaw ko sanang pansinin, ngunit may kalakip itong mga file. Pagkabukas ko, agad kumalabog ang dibdib ko—si Jack… nakagapos, may tali sa bibig, at puno ng sugat ang mukha. Sa tabi niya ay isang babae… Sht.* Hindi ako maaaring magkamali. Si Doktora iyon. Paano silang napunta sa kamay ng kaaway? At bakit pati si Doktora nadamay? “Sino ang mga ’yan, Jill?” mabilis na tanong ni Mama habang inaagaw ang cellphone ko. Pagkakita niya sa mukha ni Jack, nakita kong unti-unting namutla ang kanyang labi. Kinabahan ako. “Mama, kumalma ka po. Gagawa ako ng paraan para iligtas si Jack.” nag-aalala ako baka atakihin siya. “T-Tawagan mo si Chairman Ruins,” nanginginig niyang sabi, may luha na sa kanyang boses. “Siya lang ang makak

