ANG PAGKIDNAP JILL POV. SIMULA nang mawala sa landas namin si Tita Angelina, tuluyang tumahimik ang buhay namin lahat. Nabawi na rin namin ni Jack ang lahat ng ari-ariang kinamkam niya sa aming mga magulang. Ngayon, sakay ako ng pinakabagong modelong Jaguar, patungo sana ako sa mansyon ng mga Del Fuego upang sunduin si Janine Roice. Ngunit bago pa man ako makaalis, may isang babaeng biglang sumulpot sa harap ko. Hindi ko siya kilala kaya umiwas ako, subalit humarang siya mismo sa gate kaya hindi ako makalabas. Napilitan akong bumaba at lapitan siya. “Ano po ba ang kailangan ninyo?” tanong ko. May lungkot at kaba sa tinig ng ginang nang magsalita siya. “May kailangan kang malaman. Kasama ko ang anak ko… at kasama niya ang anak mo. Galing sila sa abroad.” Napakunot ang noo ko. “Impo

