Napadilat ako at napaunat. Ayaw ko pa ngang tumayo dahil napakalambot ng kama na hinihigaan ko ngayon. Ilang sandali bago ako napabalikwas ng bangon nang maalala ko ang nangyari ko kagabi. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at napakalawak na kwarto nga talaga ito. Ang araw ay tumatama sa loob, mas kitang kita ko ngayon ang itsura nito kay sa kagabi. I hate myself for being calm like this. Dapat sa ganitong sitwasyon tinatawagan ko na sila Rain at Triv pero hindi ko magawa. I felt guilty pero ayokong maging padalos dalos. I'm with Kian, yun na muna ang iisipin ko. Naalala kong dinala niya ako dito at sa kabilang kwarto siya natulog. Sobrang pagod kaya kung anong suot ko kagabi ayon din ang suot ko ngayon. Gusto ko pa sana mag usap kami kagabi pero nadikit lang ako dito sa kama niya, natu

