Nakatulala lang ako sa kanya at hindi makasagot sa sinabi niya. Kung tutuusin, dapat parin ako matakot sa kanya pero wala akong maramdam na ganon. Wanted siya kaya hinahanap ng mga pulis. Sabi din ni Jin, siya daw ang dahilan kung bakit namatay ang parents niya. Pero bakit gusto kong marinig lalo ang sasabihin niya patungkol sa bagay na yon? Hindi pa man ako nakakasagot ay may mga sigaw na akong narinig. Napalunok ako nang dumikit siya sakin at umupo sa tabi ko. Pinapakiramdaman ang paligid. Nakita ko ang ilaw na tumama sa bandang pwesto namin at palipat lipat ito. Nang silipin ko ay may mga pulis sa malayuan na may dalang flashlight ang naglalakad papunta sa direksyon namin. "Siguraduhin niyong walang makakatakas. Baka dito dumaan ang ibang tauhan ni Cortel." "Yes cap!" Alam kong b

