Kinwento ni Kian sa akin lahat ng nangyari, lahat ng tanong ko sinagot niya. Kahit pa ayaw ko ng magtanong siya ang nagpupumilit na magtanong ako dahil ayaw na niyang magtago sa akin. Hindi ko akalaing kaya niyang sabihin sakin ang lahat lalo na sa ganitong sitwasyon. Pinaliwanag niya kung bakit niya pinatay si Cortel, lahat ng nangyari sinabi niya sa akin. Sa lahat ng lumabas sa bibig ko ay isang tanong agad ang sinabi ko. "Ayos ka lang? Nasaktan ka ba?" sinuri ko ang buong katawan niya. Halata namang natuwa siya sa reaksyon dahil aliw na aliw ang kanyang mukha. Sinimangutan ko siya at bahagyang hinampas ng mahina. Natawa siya. "I'm fine." sa wakas na sagot niya. Bumuntong hininga ako at hindi parin mawala ang kwento niya kanina. "Ibig sabihin ba, p-pinakulong mo ang papa mo?" Humin

