Nakatingin lang silang lahat kay Kian na parang hinihintay ang pagpapakilala niya. Ramdam ko ang tagal ng titig sa kanya ni Triv. Sinusuri ang pagkatao niya. Ramdam ko rin ang malalim na tensyon sa tingin nilang dalawa kay Kian. I know, I know na malakas ang pakiramdam nilang dalawa sa mga bagay and I don't know what will happen kung naging interesado sila kay Kian. Nang magsasalita na si Kian ay pilit akong tumawa kahit wala naman nakakatawa basta lang maunahan ko siya. "Siya nga pala yung landlord ko." Shit. Saan ko napulot yun?! Narinig ko nag mahinang tawa ni Kian. Pinisil ko ang kamay ni Kian na kasalukuyan kong hawak. "Sinusundo niya ako, ihahatid niya daw ako sa apartment." puno ng pagtataka ang mga mukha nila. "Really?! Saang apartment to Liz? Parang gusto ko na rin lumipat."

