Kinabukasan ay maaga akong nagising, halos wala pang araw. Naligo ako at nagsuot ng isang sweatshirt mula sa closet ni Kian. Halos hanggang tuhod ko rin ito. Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin nang lumabas ako ng kwarto. Walang tao at walang ingay. Agad kong naanigan ang bulto ng isang lalaki. Nakatalikod ito mula sa veranda at may kausap sa phone. Hindi ko maintindihan ang lengguwahe, halatang boses ni Kian. Nakumpirma ko ito nang makalapit ako. Naka sando na siya ng itim at pantalon. "Kian.." tawag ko nang matapos ang tawag niya. Humarap siya sakin at bahagyang nagulat sa presensya ko. He looks serious and tired. "Good morning." marahang bati niya at lumapit sakin. "How's your sleep? Do you need something?" aniya at yumakap sakin, amoy na amoy ko ang pamilyar na pabango niya. "Ik

