Nakatingin si Jin sa labas at hindi makatulog. Alas dose na ng gabi at malamig ang simoy ng hangin. Hindi maalis sa isip niya ang babae sa katabi niyang kwarto. Hindi naman siya galit dito, hindi niya lang gusto ang pakikipagusap sa kanya ng lalaking tinawag nitong Triv. "She's fine. Stop being dramatic." bungad niya nang hinablot niya ang phone kay Liz. Suot ang isang earpiece na nasa kanyang tenga, rinig na rinig niya ang mga pinaguusapan ng dalawa. [And who the f**k are you?] Agad pumasok sa isip ni Jin ang accent nito sa ingles, halatang banyaga ito. "Who do you think I am?" Nangaasar pa na sagot ni Jin sabay tingin kay Liz. [Take her back, right now.] "Why do you sound so tensed?" tanong ni Jin sa blankong ekspresyon. Tumalikod siya kay Liz bago nagpatuloy makipagusap sa kabil

