Isang lalaking nasa isang mataas na building ang nakasuot ng itim na suit na pawang patong lamang dahil sa panloob nito na uniform. Wala siyang ano mang takip sa mukha at walang takot na nakatanaw sa ibabang kalsada habang hawak ang isang sniper rifle. Pinanood niya ang lalaking tumatakbo na kasalukuyang hinahabol ng mga pulis.  Name: Jin Sy Code Name: Black Nang magkaroon ng tyempo ay agad niyang pinaputukan ang lalaking tumatakbo. Nang kalabitin niya ang gatilyo ay nahagip niya sa rifle scope ang isang babaeng napatalon sa gulat. Nang tingnan niya ang lalaki ay napahawak ito sa tagiliran. Tipid siyang napangisi siya sa sarili. Ang lalaking tinatarget niya ay walang iba kung hindi si KED. Inalis niya ang tingin sa rifle scope at tiningnan ang sitwasyon sa baba. "Akyatin niyo."