Niyakap ko ang dalawang tuhod ko habang pinagmamasdan ang hampas ng alon ng malawak na sapa. Napakalinaw ng sapa na ito at bihira lang ang pumupunta rito dahil may kwento raw na nakakatakot. Hindi ko alam pero nakakawala ng lungkot at napakaganda ng sapa na ito para katakutan. Napakagandang lugar para malunod. Natawa ako sa ideyang naisip ko at umiling. Bumalik ako sa probinsya kung saan ako naospital. Hinanap ko si Lola Marta at Lolo Ipeng, ang dalawang matandang nakabangga noon sa akin. Hindi naman ako nabigo dahil malugod naman nila akong tinanggap, pero sa kabilang paupahan ako tumira na katabi lamang ng bahay nila. Gusto pa nilang tumira ako sa bahay nila pero nakakahiya na iyon kaya ayos na mangupahan nalang ako. Ni withdraw ko ang lahat ng natirang pera mula sa bank account ko p

