Tinext ko sila Triv at Rain, pati na si Grace. Sinabi kong bukas nalang kami mag celebrate at gusto ko munang mapagisa. Hindi ko naman pwedeng papuntahin ang kung sino dito dahil kinakabahan ako sa lalaking ito. Sa dami kong tanong sa kanya, hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kausapin tungkol sa sinabi sakin ni Jin o huwag nalang ako makialam. [Anong gusto mong mapag isa pinagsasabi mo dyan?! Yung TJ mo dito teh halos mag wala kanina! Tanong siya ng tanong sakin!] Sabi ni Grace sa isang mahina at pigil na sigaw. Nasa station siya ngayon at nandoon si Rain at Triv para sana sabay sabay silang pumunta kila Triv, dahil nga sa dinner na sinasabi nila. "Pakisabi baka matagalan kasi ako, kaya bukas nalang?" [Ano ba talaga nangyayari Lizette? Anong gusto mo sabihin ko kay Rain at TJ? Eh mu

