Kitang kita ko ang pagbangga ng isang truck papalapit sa akin. Ang ingay ng mga taong tumulong, ang ingay sa ospital, at ang tunog sa operating room habang nakapalibot ang mga doktor ang nagpamulat sa akin. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko at isang puting kisame ang agad kong nakita. Mahirap magsalita at gumalaw. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at parang bugbog ang buo kong katawan dahil hindi ko kayang kumilos. Nang sinubukan kong lumingon sa gilid ay agad akong napadaing sa sakit sa leeg. Naramdaman ko ang isang taong agad lumapit sa akin. "Gising ka na! Doc gising na ang pasyente!" narinig ko ang sunod sunod na ingay ng iba't ibang boses ng tao. Hindi ko alam ang mga nangyayari pero gusto kong magsalita. Gusto kong gumalaw pero ayaw ko pang kumilos. Isang doktor at dalawa

