"D-DAVE," WALA SA sariling sambit ni Kristen. Siya at ang Kuya lang niya ang nakarinig niyon. Umiiling-iling pa siya. Hindi maari ang narinig niya. Wala siyang sakit na ganoon. Wala! Hindi puwede! Paano si Dave? Paano ang mga mahal niya sa buhay? Napatingin sa kan'ya ang ilang doktor na naroon sa loob ng conference room na iyon. Sabay pa ang mga ito na nag-usal ng paumanhin. Ilang sandali lang ay narinig nila mula sa kabilang linya ang sunod-sunod na pagbasag ng kung ano. Dinig niya pa ang boses ng ina. Mukhang pinipigilan nito ang ama niya. Wala na ang mga ito sa harap ng camera. Napapikit siya bigla. Doon pa lang, ramdam niya ang ama. Talagang mahal siya ng ama. Hindi lang talaga ito showy sa kanilang lahat, lalo na sa kan’ya. Pakiramdam niya hinahabol ang hininga niya ng mga sandal