SA SILID NILANG mag-asawa siya naglagi. Kahit anong tawag sa kan'ya ng asawa, hindi siya lumabas. Hindi niya talaga kayang harapin si Rowan. Ilang taon na rin ang nakalipas. Sa tuwing nakikita niya ang nobyo bumabalik sa kan'ya ang nakaraan. Napapikit nang biglang naalala ang nakaraan kung paano ba niya naging nobyo si Rowan. NAGKAKILALA SILA NI Rowan sa isang restaurant. Inis na inis siya rito dahil napaka-simpatiko at mayabang. Ito na nga ang nakabangga ito pa ang galit. Nuknukan pa ng yabang, at doon nagsimula ang lahat. Inaamin niyang magandang lalaki naman talaga ito, kaya ayos siguro na magyabang ito. Hindi rin sinasadyang nagkita ulit sila noon sa bar, iniligtas siya noon sa isang bastos na lalaki. Basta, doon nagbago ang pananaw niya sa nobyo. Nagpalitan na sila ng numero nang