KAILAN MO NGA ba mapapagtanto ang lahat ng mga pagkakamali mo? ‘Di ba, sa huli? Kung kailan nakasakit ka na? Saka mo lang din makikita ang kahalagahan ng tao kapag wala na siya sa buhay mo? Ganiyan ang nangyari sa kan’ya. Huli na niya napagtantong ang dami niyang ginawang mali noong bagong kasala pa lang sila ni Kristen. Wala siyang ginawa kung hindi ang pasakitan ito, na naging dahilan ng pag-triger ng sakit nito. Kailan lang ba niya napagtantong napakahalaga sa buhay niya ang dating asawa? Nang maghiwalay din sila. Hindi niya pala kaya na wala ito sa buhay niya. Wala siyang ginawa kung hindi ang habulin ito ng habulin. Tiniis niya ang lahat sa ngalan ng pagmamahal. Parte na ng katawan niya si Kristen. She owns almost part of his heart. He can't imagine living without her. Ibig sabihi