NAKATINGIN SI DAVE sa isang bangkay na natatakpan ng puting tela. Ramdam niya ang pagkirot ng dibdib niya. Hindi niya maiwasang maawa dito. Hindi siya makapaniwalang wala na ito. Kanina lang ay nakangiting nakikipag-usap ito sa kan'ya. Tapos pagbalik niya, wala na agad ito? "C-Can I see her for the last time?" Pigil niya sa lalaking staff ng ospital na iyon na tutulak sana sa stretcher kung saan naroon nakalatag ang bangkay. Tumango ang lalaki kaya lumapit siya. Nanginginig na hinawakan niya ang puting tela. Huminga muna siya ng malalim bago sinimulang iangat ang kamay para tanggalin ang ang nakatabing. Napapikit siya nang makita ang magandang mukha ni Mildred. Lalo siyang nakaramdam ng lungkot para dito. Kahit mukhang masaya naman ang mukha nito, naawa pa rin siya dito. Naging tak