NAGING MASAYA SI Kristen sa piling ng dating asawa. Back to normal sila. Sa condo ulit siya nito tumira. Wala siyang masabi sa pag-aalaga nito sa kan'ya nitong mga nakaraan. Naging showy ito lalo pagdating sa nararamdaman. Siya lang itong hindi dahil sa takot. Naroon pa rin ang sintomasng sakit niya, pero hindi gano'n kadalas. Bagkos, iba ang nararamdaman niya, pagkahilo, pananakit ng ulo, at intindihin ang mga salita ng kaharap. Ang bagal niyang maka-catch-up. Matagal bago niya maintindihan, parang lagi kang lutang. Kahit nga simpleng salita, nahirapan siya alalahanin kung ano ba 'yon. Dati naman na niyang naramdaman pero hindi madalas. Though lagi niyang nararanasan ang pagkalito sa mga bagay-bagay nitong mga nakaraan. Baka dahil lang sa dami ng load na ginagawa niya sa opisina. Pero