bc

The Governor's Innocent Wife

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
HE
age gap
fated
arranged marriage
heir/heiress
drama
sweet
small town
lies
like
intro-logo
Blurb

She is eighteen. Innocent. Untouched. Raised by her dying father, a humble driver for the most powerful man in town.

His last wish was simple: "Take care of my daughter."

She thought the Governor would just protect her. She never thought he would marry her before her father takes his last breath.

Now, the driver's daughter is the Governor's wife.

And the cold Governor who swore he would never love is slowly falling for the innocent wife he never meant to want.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Nanginginig ang mga kamay niya habang nakaupo sa maliit na upuan sa loob ng private hospital room ng Arguelles Hospital. Suot niya ang simpleng puting bestida na binili para sa kanya ng Gobernador. Nakalugay ang mahaba niyang buhok. Sa harap niya, may maliit na mesa na may nakapatong na marriage papers. Sa tabi nito, nakatayo si Governor Leonard Arguelles. Matangkad ito, halos 6'2", at nakasuot ng itim na suit. Gwapo, may matalim na panga at malamig na mga mata. Tahimik lang itong nakatingin sa mga papeles, na para bang ordinaryong bagay lamang ang pagpapakasal. Pero para sa kanya, hindi iyon ordinaryo. Ilang minuto na lang, magiging asawa na niya ang Gobernador. Isang buwan nang nakaratay ang kanyang ama sa private room na iyon ng mamahaling ospital. Isang buwan na ring si Governor Leonard ang sumasagot sa lahat, sa gamot, sa doktor, sa personal nurse, at sa mga bills na hindi na niya kayang bilangin. Kung wala ang Gobernador, baka matagal nang wala ang Papa niya. Hindi siya makahinga nang maayos. Kumakabog ang dibdib niya habang pilit niyang pinipigilan ang mga luha. Eighteen years old pa lang siya. Wala pa siyang naging boyfriend. Hindi pa siya nahahalikan, ni nakakahawak man lang ng kamay ng lalaki. Pero ngayon, ikakasal na siya, sa lalaking halos hindi naman niya kilala. Sa hospital bed, nakahiga ang kanyang ama. May oxygen sa ilong nito at halatang pagod na pagod na. Sa tabi ng kama, tahimik na nakatayo ang personal nurse na kinuha mismo ni Leonard para magbantay sa ama sa araw at gabi. Kahit ganoon, pinilit pa rin ng Papa niya na ngumiti nang makita siya. "Emma..." mahinang tawag nito. Mabilis siyang tumayo at hinawakan ang kamay ng ama. "Papa..." "Huwag kang umiyak, anak." Lalo lamang siyang napaiyak. "Ito lang ang gusto ko bago ako umalis. Gusto kong makasiguro na may mag-aalaga sa'yo kapag wala na ako." Napakagat siya sa ibabang labi. Buong buhay niya, silang dalawa lang ang magkasama sa maliit nilang bahay sa San Juan. Ang Papa niya ang nagluluto para sa kanya at nagpapatawa sa kanya kahit wala silang gaanong pera. Ito ang tanging mundo niya. Sampung taon nang driver ng pamilya Arguelles ang Papa niya. Hindi lang basta driver, kundi isang taong minsan nang nagbuwis ng buhay para kay Governor Leonard. Noong inambush ang Gobernador sa highway, ang Papa niya ang nagmaneho sa gitna ng panganib para mailigtas ito. Nabaril pa nga ang Papa niya. Hindi iyon nakalimutan ni Leonard. At ngayon. Gusto ng Papa niya na gamitin ang tiwalang iyon para masiguro ang kinabukasan niya. Kapag nawala na ang ama niya, mag-isa na lang siya sa mundo. Wala siyang ibang pamilya na puwedeng takbuhan. At ngayon, si Leonard lang ang pinaniniwalaan ng ama na kayang magprotekta sa kanya Pumayag naman ang Gobernador sa nais ng Papa niya. Pero may kondisyon. Kasal. Naalala niya ang sinabi nito noong mag-usap ang ama at ang Gobernador. "If you want me to protect her, she has to be legally mine," malamig na sabi ni Leonard sa kanyang ama. "I will marry her. So you can leave knowing she's safe." Binuksan ng lawyer ang mga papeles at inilapag sa mesa. "Governor, Miss Emma, you may sign here." Naunang pumirma si Leonard. Mabilis at walang pag-aalinlangan. Pagkatapos, humarap ang lawyer sa kanya. "Miss Emma?" Nanginginig ang mga daliri niyang humawak sa ballpen. Tumingin siya sa Papa niya. "Sige na, anak," mahinang sabi nito. "Mabuting tao si Governor Leonard. Aalagaan ka niya." Tumulo ang luha niya bago dahan-dahang pumirma. Nang matapos siya, ibinaba niya ang ballpen. Ganoon kalamig at kasimple ang naging kasal nila, na para bang kontrata lang ng negosyo. Doon lang siya tuluyang nilingon ni Leonard. Nagtagpo ang mga mata nila. Tahimik na inilabas ang isang maliit na box. Binuksan iyon ni Leonard at saka isinuot sa kanya ang isang singsing. Sa isa naman ito na ang nagsuot sa daliri nito. Napalunok na lamang siya at sinulyapan ang singsing na sinuot nito sa kanya. Makinang, halatang mamahalin. "Congratulations, Governor and Mrs. Arguelles," sabi ng lawyer. "You are now legally married." Mrs. Arguelles. Napahinto siya. Asawa na siya ng Gobernador. "Salamat po, Governor..." umiiyak na sabi ng Papa niya. Lumapit si Leonard sa kama at hinawakan ang kamay ng kanyang ama. "I will keep my promise. I will take care of her. I will protect her with my life. You have my word." Nang makaalis ang lawyer, muling tumahimik ang kwarto. Nakatulog na ang Papa niya dahil sa pagod. Ang personal nurse ay tahimik na nag-aayos ng dextrose sa gilid. Nakaupo siya sa sofa malapit sa kama. Nakatayo si Leonard sa likuran niya. "Look at me." Dahan-dahan siyang tumingala. "You are my wife now, Emma," sabi ni Leonard. "From now on, you're mine. Do you understand?" Tumango siya. "Yes... Yes, Governor." Bahagyang gumalaw ang panga ni Leonard. Inangat nito ang kamay at hinaplos ang pisngi niya. Mainit ang kamay nito. Napaatras siya nang bahagya dahil hindi siya sanay mahawakan nang ganoon kalapit. "Sorry..... Governor." "Don't call me, Governor. Just call me Leonard." "Leonard," mahina niyang sagot. Parang may kuryenteng dumaloy sa dila niya nang banggitin ang pangalan nito. Saglit itong natahimik. Tinitigan siya, mula sa namumula niyang mata pababa sa nanginginig niyang labi. Nakaramdam siya ng pagkailang, at umiwas ng tingin rito. Tumingin si Leonard sa nurse. "You'll stay here tonight. Don't leave him. Update me every hour." "Yes, Governor," sagot ng nurse. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya. Hinawakan nito ang siko niya, marahan pero may diin. "Let's go." "Saan?" "Sa bahay ko." Nanlaki ang mata niya. "Sa bahay mo?" "Our house," pagtatama ni Leonard. Tumitig ito sa kanya. "You're legally my wife now, Emma. Do you think I will let my wife sleep in that house alone? From tonight, you will live with me. Sa mansion ka na uuwi." Parang tumigil ang t***k ng puso niya. "Pero... pero hindi pa ako nakapag impake at-" "You're my responsibility now. And I take care of what's mine." Namula siya nang husto sa sinabi nito. Hindi niya alam kung kilig ba iyon o takot. Dahan-dahan siyang tumayo. Wala naman siyang choice kundi ang sumama sa asawa niya. Bago siya umalis nagpaalam na muna siya sa natutulog na ama. Kinausap rin saglit ang nurse na naroon. Paglabas nila ng hospital room, nasa likod niya lang si Leonard. Ramdam niya ang kamay nito na halos nakahawak sa likod niya, inaalalayan siya, pinoprotektahan, na para bang pag-aari na talaga siya nito. Ngayong gabi iuuwi na siya ng Gobernador sa bahay nito. Bilang asawa. Legal na asawa. At simula ngayong gabi, sa mansion na siya matutulog, sa iisang bubong kasama ang lalaking pinakasalan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
833.9K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
12.6K
bc

In Bed With Kuya Red

read
47.2K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.8K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.1K
bc

DESIRING THE BADBOY (SSPG/ Dark Romance)

read
156.7K
bc

Kuya Andrew

read
74.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook