Max’s POV Nakatapat ang tenga namin ni Corazon sa pintuan ng silid kong saan pumasok si manyak, mukha na siguro kaming tanga, wala naman kaming naririnig siguro soundproof itong silid nila, buti na lang walang nakakakita sa ginagawa namin. Sabado ngayon at dinala ako nila Corazon at manyak sa kompanya na naman nila ito ‘yong araw na pinag-usapan namin kong kailan kami babalik rito, para walang sagabal at hindi raw ako tatakbuhan sa pangako ko, sinundo nila ako sa bahay, nagpakamalan pang boyfriend ko si manyak nila mama, yuck! “Ano may naririnig ka ba?” Tanong sa akin ni Corazon. “Shhh,” saway ko sa kanya, “wala akong marinig dahil sa ang lakas ng boses mo---” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magbukas ang pint