LAXUS VILLARUEL'S POV "FASTER, VALDEZ! UGH! UGH!" Sabi ko kay Veen na ngayon ay nagmamaneho. Mag-aalburoto na naman ito sa galit nito. "TANGINA, LAXUS! MANDIRI KA NGA!" Humagalpak ako ng tawa dahil sa reaksyon niya. Ang sarap talagang asarin ng gunggong na 'to. "IHUHULOG KITA SA BANGIN. MAKITA MO." Sabi nito na mas ikinatawa ko pa. Ang pikon talaga ng lalaking 'to. "Chill ka lang, babe. Mamaya natin ituloy." Sabi ko pa. Tinigil ko na ang tawa dahil namumula na ang mukha niya pero ang sarap pa ring pagtawanan. "So gross. Baka hindi ka na magustuhan ni Cass niyan." Bigla namang nag-iba ang aking timpla. Bakit nakasali na naman ang babaeng 'yon? Ilang beses ko ng sinabi sa kanilang hindi ko gusto yon. "I don't care about that." I annoyingly said. Si Veen naman ngayon ang tumawa. Taranta