Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Alistair na ngayon ay nasa hospital ward. Kinakabahan ako sa kung anong magiging resulta ng diagnosis ng mga doktor sa kanya. Kanina, ang sabi ni Yaya Feli ay tumaas pa ang lagnat nito. Kagabi ay medyo bumaba na pero tumaas ulit kanina. Napansin niya ring nagkaroon ng mga pantal si Alistair. Nagsuka at dumugo rin daw ang ilong kaya tinawagan nila ako kanina para ipalaam na dinala nila sa ospital si Alistair. I'm worried sick. Nangangatog pa rin ang buong katawan ko dala ng pag-aalala. Hindi ko alam ang gagawin ko ng malamang nasa ospital ang isa sa mga anak ko. "Mommy," Tinawag ako ni Aladin kaya napatingin ako dito. Kanina pa siyang umiiyak, buti at tumahan na siya. "Is Ali will be okay, Mom?" He sobbed. Hinila ko siya papalapit sakin at niyakap. "