"Marah.." napalingon ako sa likod ko ng marinig ang boses niya. Kumabog ng malakas ang puso ko ng muling masilayan ang mukha niya. Totoo ba ito? Nasa harap ko na ba talaga siya? "Marah.. Ikaw nga.." Niyakap niya ako ng mahigpit. Yung tipong wala ng kawalaan pa. I'm still overwhelmed. Totoo ba? Nakita ko na siya ulit? Siya na ba talaga 'to? Nag-uunahang pumatak ang mga luha ko. Nandito nga siya. Niyakap ko rin siya pabalik.. ng mahigpit. "Akala ko.. a-akala ko hindi na kita ma-makikita.." I uttered. Sa loob ng anim na taon, may mga pagkakataong nawawalan na ako ng pag-asang makita pa siya pero hindi ako sumuko. At ito na nga.. nasa harap ko na siya. "Akala ko rin.." bulong nito. Hinagod ko ang likod niya kasi narinig ko siyang suminghot. Pero napatigil ako ng may maramdaman akong lik