"Nasaan tayo?" Tanong ko pagkababa ko ng sasamyan. Nilibot ko ang aking paningin. Bakit niya ako dinala sa dagat? "Beach?" Sagot ni Alejandro. Tiningnan ko siya ng tinging hindi nakakatuwa ang sinabi niya. "Nasa resort ng asawa ng kaibigan ko." "Eh bakit mo ako dinala dito? Nandito ba ang apat?" Tanong ko. Muli kong nilibot ang lugar. Maganda naman dito. "We'll stay here for a while and why are you asking for that four morons?" Usisa niya. Maka-moron 'to ah? "Kasi kasama natin sila kanina?" Sagot ko naman. He shook his head. "Hayaan mo na–" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito at sinagot. "TANGINA ALEJANDRO! SINABI KONG SUMUNOD KAYO HINDI YUNG ITANAN MO SI MARAH!" Sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya, rinig na rinig ko ito. Nail