Kabanata XXVII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. ATHISA AYAW KONG magpaka-stress nang dahil lang sa bagay na naganap ngayong hapon. Hindi ko iyon dapat isipin dahil confident akong naso-solve ang problema kong ito. Besides, kasama ko si Hugo, ang mahal ko na siyang bahala sa lahat. Pakiramdam ko ay secured ako kapag kasama ko siya at sa tuwing nasa tabi ko siya ay iba ang aking pakiramdam. Pauwi na kami sa bahay ngayon. Dumaan lang kami saglit sa supermarket upang bumili ng ilan sa mga kailangan sa bahay kaya't medyo madilim na nang makarating kami. Nandoon na sila mama at papa. Sinunod nila ang aking sinabi at mabuti na lang at hindi na sila