Kabanata XXIV Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. ATHISA NAKATUTOK SA AMIN ang baril na hawak ni Faustino at hindi ko malaman kung ano ang kaniyang magiging aksyon habang hawak niya ito. Nasa likuran niya si Diva na ngayon ay tila proud na proud sa inaasta ng kalaguyo niya. "Wala kayong karapatan na saktan si Diva dahil hinding hindi ko kayo titigilan," anlilisik ang mga mata ng dati kong asawa na ngayon ay hawak pa rin ang kaniyang baril. Hindi ko alam kung ano ang aking iisipin dahil sa oras na ito ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Nakahawak siya ng baril at isang maling galaw lang namin ay mamamatay kami. Si Dudang ay nasa likur