KABANATA XXXVI Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. ATHISA NAMUO ang tensyon sa aking dibdib nang makita ko ang mga larawan at ang mga gamit na kapareho ng mga gamit na nakita sa bangkay ng mga babaeng natagpuang patay na kinabibilangan ni Diva. Napatingin ako sa pintuan at napaatras akong bigla nang mapagtanto ko na ang lahat ng mga nangyayari. Si Crisanto nga ba talaga ang kasama ko ngayon? Siya ba talaga ito? Isa isang pumasok sa aking isipan ang aming mga naging kasunduan. Bakit nga kaya hindi niya ako pinapayagang isipin si Hugo? Bakit ayaw niyang banggitin ko ang pangalan ni Hugo? Naisip ko bigla ang kakayahan ni Hugo na marinig ang aking n