Kabanata XX Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. ATHISA "ANG SARAP NAMAN NG SOUP." Pakiramdam ko ay napakatagal ko nang hindi kumain ng soup na luto ni Dudang dahil na rin sa tagal ng panahon na hindi siya nakikialam sa kusina. Magmula kasi nang magkaroon kami ng kasama sa bahay ay hindi na siya nakikialam sa kusina. Paminsan-minsan na lang pero hindi na madalas. "The best kasi talaga akong magluto nito ate. Na-miss mo ano?" Buong pagmamalaki niyang wika. "Yes naman. Pero syempre, mas okay pa rin kung kakain tayo ng kanin," sabi ko pa. Sa totoo lang ay nagugutom talaga ako at ramdam ko na kapag hindi ako nakakain ng kanin ngayon ay madali akon