Napangiti si Diane ng makita ang asawa na naglilinis ng aplaya. Masyadong madumi, kaya inutusan niya ito na linisin ang paligid. Kanina pa ito nagrereklamo na mainit. Actually, pangatlong araw na nito sa paglilinis, may mga tira pa rin. Nakasakay siya sa hammock habang ang asawa ay nagpapakapagod sa paglilinis. Sabi niya, wala dapat siyang makitang mga kahoy-kahoy, dahon at mga plastic sa dalampasigan. Ang mga plastic at ibang kahoy ay nanggagaling sa dagat. Marahil, dala iyon ng alon mula sa mga katabing isla na may mga tao. Dadagdagan niya ng ilang araw ang parusa dito kapag hindi nito nilinis ng maigi ang paligid. Sayang kasi ang ganda kung madumi lang. "Love. I'm done!" Napamulat siya ng marinig ang boses ng asawa. Hinanap ng mga mata niya ito. Nakahiga na pala ito sa buhangin. Na