Tama ang mga kaibigan niya. Kailangan niya munang mamili. Kung sino ba ang mas matimbang. Kung sino ba talaga ang hinahanap at inaasam-asam niya. At higit sa lahat, kung sino ba talaga ang mahal niya. Nawala na sa paningin niya si Diane at Smith kaya lalo siyang nilukuban ng inis at galit, hindi para sa konsehal na iyon, kundi para sa kan'ya... sa sarili niya. Malakas na tinampal niya ang dibdib kapagkuwan. All this time pinaniwala niya ang sarili na si Athena ang mahal niya. Akala niya si Athena ang gusto niyang pakasalan at maging ina ng mga anak. Now seeing Diane holding hands with someone else, it hurts. Pakiramdam niya magkakasakit siya sa puso. Biruin mo 'yon, nasa kan'ya na nga noon si Diane, pinakawalan pa niya. Ang tanga niya diba? Kinapa niya ang damdamin niya. Si Diane… si