Alas-sais na ng gabi pero wala pa ring mensahe mula sa binata. Hindi rin ito tumawag kanina kung nakarating ba ito ng maayos. Akala pa naman niya babalik ito kaagad kagaya ng sinabi nito. Naiinis siya. Pinaasa na naman siya nito. Hindi siya nakakain ng maayos dahil kakaisip sa binata. Lumabas siya. Pumunta sa dalampasigan. Binaybay niya ang pinaka-dulong bahagi ng aplaya. Naghubad siya ng damit at shorts pagkarating saka lumubog sa tubig. Pilit na pinakalma niya ang sarili sa pamamagitan ng pagsisid sa ilalim ng dagat. Nasa malalim na bahagi na siya. Halos isang oras siyang nakalubog sa tubig kaya umahin siya para magpahinga. Nakaupo siya sa buhangin ng makita ang pag-ilaw ng telepono niya. May tumatawag. Mabilis na hinigit niya iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Laglag ang